Home METRO Suspek sa pagpatay sa barangay chairman sumuko

Suspek sa pagpatay sa barangay chairman sumuko

PAGADIAN CITY, Zamboanga del Sur- Sumuko sa mga awtoridad nitong Huwebes ang isa sa mga suspek sa  pagpatay sa barangay official sa lugar na ito.

Sinabi ni Mayor Samuel Co told sa isang press conference na sumuko si dating Lapedian village chief Nestor Cael sa Zamboanga del Sur unit ng Criminal Investigation and Detection Group nitong February 29 matapos mapag-alaman na naglabas na ang korte ng warrant of arrest para sa kanya, maging sa iba pang mga suspek.

Iniuugnay si Cael sa pagpatay kay Lapedian punong-barangay-elect Rofoldo Dacol, na tumalo sa kanya sa eleksyon noong Oct. 30, 2023.

Pinagbabaril si Dacol noong November 8, 2023 sa labas ng kanyang tahanan.

Nakita ng mga testigo na minamaneho ni Cael ang sasakyang ginamit ng gunmen upang tumakas sa crime scene.

Nakatakda sanang manumpa si Dacol bilang bagong barangay chairman noong November 9.

Si Dacol, isang magsasagaka, ay isang incumbent village councilor bago talunin si Cael sa huling eleksyon. RNT/SA

Previous articlePorsyento ng kababaihan sa labor force mas mababa kumpara sa kalalakihan – PSA
Next articleLibreng pasyal sa Intramuros alok sa mga kababaihan sa Marso 8