Home HOME BANNER STORY 2 barko sumadsad sa Batangas port kay Kristine

2 barko sumadsad sa Batangas port kay Kristine

290
0

MANILA, Philippines – Dahil sa lakas ng alon at hangin dulot ng Severe Tropical Storm Kristine ay sumadsad sa pier ng Batangas ang dalawang barko ngayong Huwebes, Oktubre 24.

Sinabi ni Batangas port manager Joselito Sinocruz, na ang unang barko ay isang domestic cargo vessel na nalagutan ng angkla habang nasa pantalan ng Batangas.

Sa ngayon ay hinahanap pa ang mga kapitan ng barko.

“Parang walang kapitan kaya pumalo ng pumalo diyan sa pier,” pahayag ni Sinocruz sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo.

Ang pangalawang barko naman ay isang foreign fuel tanker na kamakailan ay nahuli ng Customs.

Ani Sinocruz, kahit walang bagyo ay ipinagbabawal ang fuel tanker sa Batangas port dahil sa dala nitong dangerous goods.

Nasira ang pantalan dahil sa paghampas ng naturang fuel tanker.

“Pag pumasok kayo ng port ng Batangas, amoy fuel na po. Sana nga pô ay sana kaunti lang, sana maisalba pa.”

Tinututukan na ng mga opisyal ang posibleng pagtama ng barko sa passenger terminal building sa pantalan.

“Lumampas na ng rampa ‘yung ating level ng tubig, Umabot ng hagdan ng passenger terminal,” ani Sinocruz.

Samantala, mayroong mahigit 200 pasahero ang istranded ngayon sa Batangas port dahil sa bagyong Kristine. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here