MANILA, Philippines- Sumadsad ang dalawang barko sa hilagang parte ng Luzon dahil sa pananalasa ng bagyong Marce.
Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), nangyari ang pagsadsad ng MV Aries at Panphil 8 sa baybayin ng Brgy. Victoria, Currimao kahapon, Nobyembre 8
Nakipag-ugnayan ang ahensya sa mga shipping line at Philippine Coast Guard (PCG) para sa inisyal na inspeksyon.
Ang Panphil ay naghihintay na lamang ng conversion nito mula foreign hanggang marehistro bilang barko ng Pilipinas, habang ang MV Aries ay dredging vessel para sa mga dredging operations sa Padsan River, Laoag. Jocelyn Tabangcura-Domenden