Home NATIONWIDE Signal No. 1 itinaas sa Catanduanes kay TD Nika

Signal No. 1 itinaas sa Catanduanes kay TD Nika

MANILA, Philippines- Isa nang tropical depression ang low pressure area na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Sabado at tinawag na Nika.

Ayon sa Pagasa, si Nika ay 1,145 kilometers east ng Southeastern Luzon, na may maximum sustained winds na 55 kilometers per hour malapit sa sentro at gusts hanggang 70 kph.

Kumikilos ang tropical depression sa westward direction sa bilis na 30 kph.

Umiiral ang Wind signal No. 1 sa Catanduanes.

Inaasahang magla-landfall ito sa o or Aurora sa Lunes.

Posible naman itong lumabas ng Philippine Area of Responsibility sa Martes ng gabi o Miyerkules ng umaga.

Binabantayan din ng state weather bureau ang isa pang LPA sa labas ng Philippine Area of Responsibility. Huli itong namataan 2,710 kilometers east ng Northeastern Mindanao. RNT/SA