MANILA, Philippines- Nagbigay pugay ang pamilya Villar sa hindi matatawarang kontribusyon ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa 13th OFW and Family Summit, noong Biyernes, Nobyembre 8, na ginanap sa The Tent sa Las Piñas City.
Mahigit 4,000 OFW at kanilang mga kapamilya ang lumahok sa nasabing summit.
Sa temang “Tara Magnegosyo Na!” hinikayat sa summit ang mga OFW at kanilang mga pamilya na mamuhunan sa mga lokal na negosyo at mga pagkakataon upang mapakinabangan ang kanilang pinaghirapang kita. Cesar Morales