Home METRO 2 bibili ng gold bars, pinaulanan ng bala sa N. Cotabato

2 bibili ng gold bars, pinaulanan ng bala sa N. Cotabato

54
0

MANILA, Philippines – Pinaghahanap na ng pulisya sa dalawang armadong lalaki na bumaril at pumatay sa dalawang umano’y bumibili ng ginto, habang isa pa ang nasugatan, sa isang ambush sa Barangay Poblacion 8, Midsayap, North Cotabato nitong Lunes ng hapon, Mayo 11, 2026.

Kinilala ni Lt. Col. Rey Salgado, hepe ng Midsayap Police Station, ang mga nasawi na sina Bhots Gainal, 54, at Mohammad Tula, 43, kapwa residente ng Cotabato City. Sugatan naman si Guiamad Ferdausy, 32, mula Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte.

Ayon sa pulisya, papunta sana ang mga biktima upang makipagkita sa umano’y nagbebenta ng gold bars mula Malabang, Lanao del Sur bandang alas-3 ng hapon nang mangyari ang pamamaril.

Batay sa imbestigasyon, dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo ang umatake sa pickup truck ng mga biktima habang bumabagtas sa kalsada, dahilan upang mahulog ito sa irrigation canal.

“Another member of the ambushed group, Gainal’s 17-year-old son, escaped unhurt,” Salgado said in a report Tuesday.

Patuloy ang manhunt ng mga awtoridad habang iniimbestigahan pa ang insidente. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here