Home ENTERTAINMENT Prenup agreement, dahilan ng pagkaantala ng Bea-Vincent wedding?

Prenup agreement, dahilan ng pagkaantala ng Bea-Vincent wedding?

104
0

Manila, Philippines – Matutuloy ba ang nakatakdang pag-iisang-dibdib nina Bea Alonzo at Vincent Co?

Ito ang tanong na hinahanapan ng sagot makaraang lumabas ang isang blind item na called off o hindi umano matutuloy ang nasabing kasal na gaganapin sa Spain.

Ang dahilan — ayaw umanong pumirma ng babae sa prenup agreement.

Marami tuloy ang may suspetsa na ang mga involved dito ay walang iba kundi sina Bea at Vincent.

Sinaliksik ng Philippine Entertainment Portal o PEP ang tungkol dito.

Ayon sa ulat ng PEP, maingat ang mga nakausap nilang tao sa pagbibigay ng impormasyon lalo’t mga prominenteng personalidad ang involved.

Diumano, naabisuhan ang mga guests na nauna nang naimbitahan sa kasal.

Humihingi umano ng dispensa dahil sa abalang dulot ng pabagu-bagong schedule.

Habang sinusulat ito’y nananatiling wala pa ring linaw tungkol sa estado ng wedding.

Pero giit ng ilan, may kinalaman nga iyon sa prenup agreement — na natural lang considering na galing sa kilala at mayamang Filipino-Chinese family si Vincent.

Karaniwan na raw kasi itong nangyayari.

Bukod sa aspetong ito, may iba pa umanong dahilan sa likod ng pagkakaroon ng “second thoughts” sa kasal.

Sana’y maresolba na ang isyu para tuloy na tuloy na at wala nang aberya ang idaraos na kasal sa Spain.

Kapwa deserve ng mga ikakasal ang pagkakaroon ng masaya at matiwasay na seremonya.

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here