MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang Vietnamese na sina “Doc Ana” at “Le Thi” sa Makati noong Mayo 10 matapos mahuling nagsasagawa ng lip augmentation sa isang beauty clinic kahit wala silang lisensiya.
Ayon sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), nagpanggap silang doktor at nagsagawa ng mga aesthetic procedures at nagreseta ng gamot kahit walang pahintulot mula sa Professional Regulation Commission (PRC) and the Department of Health (DOH). Kakasuhan sila sa ilalim ng Medical Act of 1959.
Sa hiwalay na operasyon, nahuli rin ng CIDG sa Malabon ang rapper na si Rovi o “Slick One” ng Breezy Boys, kasama ang isa pang lalaki, matapos magbenta ng .38 caliber revolver sa isang pulis na nagpanggap na buyer.
Ayon sa CIDG, kasapi sila ng bagong grupo ng mga nagbebenta ng iligal na baril sa hilagang bahagi ng Metro Manila, at ginagamit ni Rovi ang kanyang trabaho bilang delivery rider para sa kanilang operasyon. Santi Celario