Dalawang pulis ang nasawi matapos tamaan ng kidlat sa gitna ng malakas na ulan noong Miyerkules ng gabi, Mayo 14, sa Naujan, Oriental Mindoro.
Ayon kay Governor Bonz Dolor, nangyari ang insidente sa pagitan ng alas-10:30 hanggang alas-11:30 ng gabi sa parking area ng Regional Mobile Force Battalion Headquarters ng PRO-4B.
Dinala agad sa Mindoro Medical Center ang dalawang biktima pero idineklara silang dead on arrival. Santi Celario