Home NATIONWIDE ‘Nawawalang’ aktres lumutang; pokus muna sa sarili

‘Nawawalang’ aktres lumutang; pokus muna sa sarili

108
0

MANILA, Philippines – Muling nagpakita sa publiko si aktres Karen Lopez matapos mapabalitang nawawala.

Sa isang Facebook post, humingi siya ng paumanhin at ipinaliwanag na kinailangan niyang magpahinga at alagaan ang kanyang kalusugang pangkaisipan at emosyonal.

Ayon kay Lopez, dumaan siya sa mahirap na panahon kaya pinili niyang unahin ang sarili, kahit pa nangangahulugan ito ng pansamantalang paglayo.

Habang usap-usapan ang kanyang pagkawala, sinabi ng Quezon City Police District (QCPD) na wala silang natanggap na pormal na reklamo mula sa pamilya ng aktres.

Gayunpaman, nagsimula na ang imbestigasyon ng QCPD — kinontak na nila ang personal assistant ni Lopez at sinuri ang CCTV footage sa huling lugar kung saan siya nakita.

Nag-live din si Lopez sa Facebook ngunit kalaunan ay binura rin ang video.

Sa kanyang huling post, sinabi niyang nais lamang niyang linawin ang ilang bagay.

Hinihikayat ng QCPD ang sinumang may impormasyon ukol kay Lopez na makipag-ugnayan sa kanila, at binigyang-diin nila ang kahalagahan ng kaligtasan ng bawat mamamayan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here