Home ENTERTAINMENT Ai Ai, nagsalita nang tapos, no to politics!

Ai Ai, nagsalita nang tapos, no to politics!

264
0

Manila, Philippines- Maging si Ai Ai de las Alas ay inalok ding pumalaot sa pulitika.

Timing nga ang naging guesting nila ni Lani Misalucha sa Fast Talk with Boy Abunda sa araw mismo ng mid-term elections.

Bagama’t kaya naman sila nag-guest ng Asia’s Nightingale ay para sa promo ng The Clash, naisingit pa rin ang paksa tungkol sa pulitika.

Inamin ng Comedy Queen na maraming beses na siyang inalok tumakbo sa lokal na puwesto.

Isa nga rito ay bilang mayor ng Calatagan, Batangas.

Kinunsidera nga raw ni Ai Ai ang offer na ‘yon.

Sa katunayan, nag-enrol siya sa kursong Public Governance sa UP.

Pero later on daw ay na-realize niyang hindi pa siya handa sa nasabing mataas na posisyon.

She was honest enough to admit that she needed to arm herself with knowledge in running the affairs of an LGU.

Asked kung may balak pa rin ba siyang tumuloy sa local politics, sinabi ni Ai Ai na tuluyan na niya itong isinantabi.

Sey niya: “Ayoko na. Bugbog na ang puso ko…ayoko nang mabugbog pa!”

Teka, bakit napunta ang usapan sa kuwentong pag-ibig–may kunek…? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here