MANILA, Philippines – Humihiling ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) na alisin ang dalawang hukom sa paghawak ng kanyang kaso kaugnay ng umano’y krimen laban sa sangkatauhan dahil sa giyera kontra droga.
Sa dokumentong isinumite noong Mayo 12, sinabi ng kanyang mga abogado na dapat tanggalin sina Judge Reine Alapini-Gansou at Judge María del Socorro Flores Liera upang masiguro ang patas at walang kinikilingang paglilitis.
Dati nang tinanggihan ng ICC ang naunang hiling na i-excuse ang dalawang hukom. Ngayon, pormal na silang humihiling ng disqualification—isang proseso na maaaring hilingin ng sinumang panig sa kaso.
Kasalukuyang nasa kustodiya si Duterte sa The Hague, Netherlands, at nakatakdang kumpirmahin ang mga kaso laban sa kanya sa Setyembre 23, 2025.
Ayon kay Atty. Kristina Conti, abogado ng ICC, hindi maaapektuhan ng pagiging pulitiko ni Duterte ang takbo ng kaso. Magpapatuloy ito ayon sa itinakdang proseso. RNT