Home NATIONWIDE 2 CCG vessel namataan sa PH waters

2 CCG vessel namataan sa PH waters

128
0

MANILA, Philippines- Namataan ang dalawang China Coast Guard (CCG) vessel na nag-ooperate sa katubigan ng Pilipinas nitong Huwebes, Hulyo 25, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sinusubaybayan ng dark vessel detection technology ng PCG ang Shucha II-class CCG vessel na may bow number na “3301” sa humigit-kumulang 62.08 nautical miles (114.96 kilometro) sa kanluran ng Capones Island sa Zambales.

Sinabi ni PCG spokesperson for West Philippine Sea (WPS) Commo. Jay Tarriela na ang barko ay bumabaybay sa bilis na nine knots.

Sinabi ni Tarriela na umalis ang CCG 3301 sa Bajo de Masinloc (Scarborough or Panatag Shoal) noong Hulyo 21 at patungong El Nido, Palawan.

Sa Palawan, kasama ng CCG 3301 ang isa pang barko ng China, ang Zhaotim-class CCGV “3105”, na ilang araw nang nasa lugar.

Lumipat ang CCG 3301 sa hilagang-silangan ng Recto (Reed) Bank sa Kalayaan Island Group (KIG) o Spratly Islands kung saan ito nanatili ng mahigit isang araw, bago ito tumuloy sa Zambales.

Samantala, ang CCG 3105 ay “walang makabuluhang paggalaw” at nanatiling 64.5 nautical miles (119.44 km) ang layo mula sa Brgy. Tapiutan sa El Nido. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here