Home NATIONWIDE 2 Chinese nagpanggap na Pinoy, arestado sa Iligan

2 Chinese nagpanggap na Pinoy, arestado sa Iligan

171
0

MANILA, Philippines – Arestado ng Bureau of Immigration (BI) sa Iligan City ang dalawang Chinese nationals na nagpanggap na Pilipino gamit ang mga pekeng lokal na pagkakakilanlan.

Kinilala ang mga suspek na sina Baogui Xu, 53, at Lizun Cai, 50, na inaresto ng Mindanao Intelligence Task Group noong Marso 4.

Ayon sa BI, nakakuha ang dalawa ng Philippine-issued identification documents na labag sa Philippine Immigration Act of 1940. Ginamit umano ni Cai ang pangalang “Mia Chua Co,” habang si Xu naman ay gumamit ng pangalang “Stanny Co.”

Inamin ni Cai na gumamit siya ng mga dokumentong Pilipino at kalaunan ay ipinakita ang kanyang Chinese passport at alien certificate of registration card. Sinabi rin ng BI na nakuha niya ang mga dokumento gamit ang pekeng pangalang Pilipino.

Samantala, ipinakita rin ni Xu ang kanyang Chinese passport at alien registration card. Narekober din mula sa kanya ang ilang ID na may kanyang larawan ngunit gumagamit ng kanyang pekeng Filipino identity, kabilang ang driver’s license, Bureau of Internal Revenue tax identification card, at Philippine Postal ID.

Dinala ang dalawang dayuhan sa Iligan City Police Office para sa blotter at dokumentasyon bago isampa ang kaukulang kaso laban sa kanila. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here