Home NATIONWIDE 2 Chinese nasakote sa ‘data theft’ mula sa Bulacan cell site

2 Chinese nasakote sa ‘data theft’ mula sa Bulacan cell site

MANILA, Philippines- Naaresto ang mga pulis ang dalawang Chinese citizens na gumagamit umano ng equipment para mangalap ng datos na ginagamit sa scamming activities mula sa isang cell tower sa Baliuag, Bulacan.

Ayon sa ulat nitong Martes, naaresto ng Philippine National Police (PNP) – Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga suspek sa loob ng isang sasakyang nakaparada malapit sa cell site.

Nasabat ng mga awtoridad ang equipment, na anila ay nakakukuha ng impormasyon mula sa mga phone at iba pang electronic equipment na saklaw nito.

“Ito po ay isang electronic equipment na capable po siya mag-intercept, mag-store and mag-utilize ng information na na-obtain po from various communication devices such as cellphone, computers, etc… Para po siyang cell site simulator na imitate niya po yung cell tower,” pahayag ni CIDG Bulacan Provincial Officer Police Lieutenant Colonel Milgrace Driz.

Anang mga pulis, ginagamit ang nakolektang impormasyon sa scamming activities. 

Tumangging magbigay ng komento ang dalawang kalalakihan subalit iginiit na sila ay installers.

“Itong isa po actually parang dito na naninirahan sa Pilipinas, at itong isa po ay isang fugitive po ng China. No comment sila, installer lang daw sila. From China, may nagpapadala sa kanila sa Pilipinas,” wika niya.

“Pwede niyang magamit ito sa panloloko, pag scam… ‘Yung mga information po natin na makukuha sa isang cell tower po,” aniya pa.

“Nafile-an na po natin sila ng kaso pending sa DOJ, Department of Justice… Mayroon na po silang hinain na preliminary investigation.” RNT/SA