Home METRO 2 Chinese nationals arestado sa pagbebenta ng ‘di rehistradong gamot

2 Chinese nationals arestado sa pagbebenta ng ‘di rehistradong gamot

MANILA, Philippines- Nadakip ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang Chinese nationals na sangkot umano sa pagbebenta ng unregistered medicines sa Metro Manila.

Nadakip ng mga ahente ng CIDG-Detective and Special Operations Unit ang mga suspek na sina Hu at Quan sa isang buy-bust sa Concorde Village, Tambo, Parañaque City lampas hatinggabi nitong Sabado.

Batay sa new release nitong Linggo, nakumpiska ng CIDG agents ang dalawang kahon ng OTC 999 – Ganmaoling Keli, 20 kahon ng Glucophage – Metformin Hydrochloride Extended-release tablets, dalawang kahon ng Amlodepine Besilate tablets, tatlong kahon ng Linou – Gliclazide tablets, dalawang kahon ng OTC – Longdan Xiegan pills, apat na kahon ng Zhibai Dihuang pills, isang kahon ng Bear Bile powder, 12 kahon ng Diamicron – Gliclazide tablets at 16 kahon ng Bayaspirin – Aspirin Enteric-coated tablets.

Hindi rehistrado ang mga gamot, may estimated market value na P15,000, sa Food and Drug Administration.

Kakasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9711 (FDA Act of 2009) na nagbabawal sa manufacturing, importation, export, sale, distribution at transfer ng unregistered drugs.

“We will enforce all laws to protect the health of the public and help strengthen the pharmaceutical sector,” giit ni CIDG chief Brig. Gen. Nicolas Torre. RNT/SA