Home NATIONWIDE Publiko binalaan laban sa ‘romance scam’

Publiko binalaan laban sa ‘romance scam’

MANILA, Philippines- Nagbabala ang Australian Federal Police (AFP), National Anti-Scam Center, Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), at National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa lumalawak na online scam na umaabuso sa emosyon at tiwala ng mga biktima.

Ginawa ang babala kasunod ng natuklasan ng mga awtoridad na modus na kung tawagin ay “Romance Scam.”

Ginagamit umano ng mga cybercriminal sa Pilipinas ang isang script upang manipulahin at nakawan ng pera ang mga biktima, kabilang ang mga Australian, sa pamamagitan ng online dating apps.

Bahagi ng Operation Firestorm ang operasyong ito na isang pandaigdigang kampanya laban sa cybercrime na pinangungunahan ng AFP katuwang ang PAOCC at NBI.

Nauna nang sinalakay ng mga awtoridad ang isang scam compound sa Pasay City, kung saan natukoy na mahigit 5,000 Asutralians ang posibleng target ng naturang modus.

Muli namang hinimok ng AFP at Joint Policing Cybercrime Coordination Center ang publiko na mag-ingat sa pakikipagrelasyon online. Jocelyn Tabangcura-Domenden