Home NATIONWIDE 2 contractor sa ‘di natapos na proyekto sa EDSA, kakastiguhin ng MMDA

2 contractor sa ‘di natapos na proyekto sa EDSA, kakastiguhin ng MMDA

MANILA, Philippines – Pagmumultahin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dalawang contractor na bigong makumpleto ang kanilang mga proyekto sa EDSA na nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko.

Ayon kay MMDA chairperson Romando Artes nitong Lunes, Abril 1, batay sa kanilang kasunduan, dapat ay natapos na ng dalawang contractor ang kanilang mga proyekto madaling araw pa lamang ng Lunes.

Sa kabila nito, 24 lamang sa 40 paghuhukay na para sa fiber optic installations sa EDSA ang nakumpleto sa ngayon.

Batay sa paliwanag ng mga contractor, sinabi ni Artes na nagkaroon umano ng delay sa proyekto dahil sa pagkakamali sa logistics schedule sa pagdedeliver ng semento.

Sinabi ni Artes na iniwan lamang ang mga hukay at ginamitan na lamang ng traffic cones ng MMDA para harangan ito.

Hindi naman sinabi ng MMDA na hindi pa nila tukoy ang kabuuang halaga ng multa laban sa mga contractor ngunit posibleng abutin ito ng P50,000 kada hukay. RNT/JGC

Previous articleLalaking nakaupo sa labas ng bahay, binaril patay
Next articleBebot nag-dive sa pool, patay