Home METRO Bebot nag-dive sa pool, patay

Bebot nag-dive sa pool, patay

MANILA, Philippines – Isang 42-anyos na babae ang namatay makaraang malunod nang sumisid sa isang anim na talampakan na lalim na swimming pool sa isang resort sa Brgy. Molino 2, Bacoor City, Cavite

Ayon sa report, isinugod pa sa Molino 2 Bacoor Doctors Hospital ang biktimang si alyas ‘Cherry’, dalaga, isang Massage Therapist ng Brgy. San Jose, General Mariano Alvarez (GMA), Cavite.

Batay sa ulat, ni Police Master Sargeant Armando Perez ng Bacoor CPS, dakong alas-12:30 ng hapon nang maganap ang insidente matapos na sumisid pailalim ang biktima na tinatayang nasa anim na pulgada ang lalim ng pool.

Napag-alaman na nagkayayaan ang biktima at ilang kasamahan nito sa trabaho na mag-outing sa Villa Vic Florence Resort sa Progressive Village 9, Molino 2, ng nasabing lugar.

Pagdating sa lugar, nagsimulang maligo ang magkakaibigan hanggang sa biglang tumalon ang biktima.

Huli na nang nalaman ng mga kasamahan nito na nalunod ang biktima ng tila hindi ito napansin hanggang sa iahon ito. Margie Bautista