Home NATIONWIDE Mahigit 800 hinihinalang scammer inaresto sa Myanmar

Mahigit 800 hinihinalang scammer inaresto sa Myanmar

MYANMAR – Mahigit 800 katao na hinihinalang cross-border scammers ang inaresto sa joint police operation ng Myanmar at China sa Yangon, nitong Lunes, Abril 1.

Matatandaan na naglipana ang mga scam compound sa Myanmar na tinatauhan ng mga dayuhan mula China at iba pang bansa na kadalasang pinipwersang magtrabaho para mang-iskam.

Inaresto ng Myanmar police ang 807 katao “who committed cross-border crimes” and seized computers, mobile phones and “fraud scripts.”

Kabilang sa mga naaresto ang 352 Chinese citizens at ang natitira naman ay Myanmar nationals.

Walang komento ang junta patugkol sa naturang mga raid.

Noong nakaraang taon, sinabi ng United Nations human rights office na nasa 120,000 katao ang itinatago sa scam compounds sa Myanmar.

Karamihan sa mga ito ay nasa bayan ng Laukkai sa northeastern Shan state. RNT/JGC

Previous articleBebot nag-dive sa pool, patay
Next articleArchitect, negosyante nahulihan ng baril, bala sa Cavite