Home METRO Architect, negosyante nahulihan ng baril, bala sa Cavite

Architect, negosyante nahulihan ng baril, bala sa Cavite

MANILA, Philippines – Naaresto sa bisa ng isang warrant of arrest ang isang 50-anyos na architect at isang negosyante nang mahulihan ng baril at bala sa isinagawang operasyon sa Bacoor City, Cavite.

Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Gian Enrico Cammayo Navarro, Presiding Judge ng Branch 133, Regional Trial Court (RTC), Tagaytay City Cavite, kinilala ang mga naaresto na si alyas ‘John’, isang architect at kasama nito na si alyas ‘Dino’, 36, isang negosyante.

Base sa report ng pulisya, dakong alas-9:16 ng gabi nang isilbi ang warrant of arrest ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-QCPD), at Bacoor City Police Station na inisyu ni Navarro laban kay alyas ‘John’ dahil sa kasong Estafa sa Phoenix Gas Station sa Aguinaldo Highway, Salinas, Bacoor City, Cavite.

Gayunman, nang isilbi ang warrant of arrest, napansin ng mga operatiba ang dalawang baril sa loob ng upuan ng isang Mitsubishi Expander na may plakang NEU 5063 na minamaneho ni alyas ‘Dino.’

Nang hingan ng dokumento, ipinakita ni alyas ‘Dino’ ang License to Own and Possess Firearms (LTOPF) at Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) pero nang repasuhin ang dokumento, magkaiba ang serial number ng baril sa hawak niyang dokumento. Wala ring naipakitang anumang papeles si alyas ‘John’, dahilan ng pag-aresto.

Narekober mula kay alyas ‘Dino’ ang isang itim na Bench belt bag na naglalaman ng isang kalibre 9mm Sig Sauer na may isang live ammunition na may nakasiksik na magazine at may kargang 11 live ammunition, dalawang magazines na may 22 live ammunition, at cellular phone.

Narekober din ang isang unit Glock 43x Cal. 9mm na kargado ng isang live ammunition na may magazine na kargado ng walong live ammunition, isang magazine na kargado ng siyam na live ammunition at sari-saring Identification Cards.

Ipapaalam sa court of origin ng Warrant sa pagkakaaresto kay alyas ‘John’’ na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act together, gayundin si alyas ‘Dino. Margie Bautista

Previous articleMahigit 800 hinihinalang scammer inaresto sa Myanmar
Next articleAma patay sa araro ng suv