Home METRO Ama patay sa araro ng suv

Ama patay sa araro ng suv

ECHAGUE, Isabela- PATAY ang isang ama habang sugatan ang dalawang menor de edad na anak nito matapos araruhin ng sports utility vehicle ang tricycle, iniulat Linggo sa bayang ito, Marso 31.

Kinilala ang biktimang si Romuel Chris Borromeo, habang nilapatan naman ng lunas sa ospital ang dalawang anak na edad 7 at 2, lahat ay residente ng Purok 5, San Fabian.

Nasa kustodiya naman ng Echague Police Station ang driver ng Mitsubishi Montero na nakilalang si Joshua Dario Go, residente ng Urdaneta Ave. Makati City.

Batay sa report ng Brgy. Castillo, Echague, Isabela, naganap ang insidente sa gilid ng kalsada na sakop ng Brgy. Castillo, Echague, Isabela.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng suspek ang SUV nang bigla na lamang itong mawalan ng preno dahilan para mabangga nito ang motorsiklo at sunod ay ang tricycle.

Sa kagustuhan masagip ni Borromeo ang mga anak na nasa loob ng tricycle, subalit maging siya ay inararo ng SUV.

Agad naman dinala sa ospital ang mag-aama subalit idineklara na rin patay ng umatending doktor ang ama sanhi ng matinding pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

Posible naman maharap sa kasong reckless imprudence resulting to homicide, physical injuries at damage to property ang suspek. Mary Anne Sapico

Previous articleArchitect, negosyante nahulihan ng baril, bala sa Cavite
Next articleComelec desidido sa pag-abot ng target ng 2M bagong botante