Home NATIONWIDE Comelec desidido sa pag-abot ng target ng 2M bagong botante

Comelec desidido sa pag-abot ng target ng 2M bagong botante

MANILA, Philippines – Mayroon pang 182 araw ang Commission on Elections (Comelec) upang maaabot ang target nitong dalawang milyong bagong botante para sa 2025 midterm elections.

Nitong Lunes, muling pinaalalahanan ng komisyon ang mga nagtatrabaho sa ibang bansa na lumahok sa kasalukuyang voter registration na matatapos sa Setyembre 30.

Ayon sa Comelec, maaaring magparehistro ang mga Pilipinong nagtatrabaho o permanenteng naninirahan sa bansang kanilang ginagalawan o ang mga nasa ibang bansa sa susunod na eleksyon na magparehistro.

Ang mga aplikante ay kailangang magdala ng valid Philippine passport sa pinakamalapit na Philippine Embassy /Consulate General o designated registration centers sa Pilipinas.

Bukod sa pagpaparehistro bilang isang botante, tinatanggap ang iba pang election-related concerns.

Ang Overseas voting ay mula Abril 12, 2025 hanggang Mayo 12, 2025.

Sinabi ng Comelec na mayroong higit isang milyong registered voters abroad. Jocelyn Tabangcura-Domenden