Home OPINION PAMILYANG GUMAGAMIT NG BISIKLETA, NASA SAMPUNG MILYON NA

PAMILYANG GUMAGAMIT NG BISIKLETA, NASA SAMPUNG MILYON NA

LUMABAS sa survey na isinagawa ng SWS o Social Weather Station na isa sa bawat tatlong kabahayan sa bansa ay mayroon at gumagamit ng bisikleta o katumbas ng sampung milyong kabahayan o nasa 36%.

Nakita rin sa survey na nasa 24% ang mayroong sariling bisikleta o 6.06 million na kabahayan.

Mas marami rin ang bicycle owners kumpara sa car owners na nasa ratio na 4:1 bicycles into one car.

Nahihilig sa pagbibisikleta ang maraming Pilipino dahil sa recrea­tional activities, 27% at 24% na essential activities katulad ng pamamalengke, pagpasok at paglabas mula sa trabaho, at pagpunta sa ibang mga lugar.

Ilan pa sa mga dahilan ng paggamit ng bisikleta ay para makaiwas sa traffic at nakabubuti sa kalusugan.

Nasa 13.1 million ang lalaking nagbibisikleta kumpara sa 4.3  million na babae o ratio na 3:1.

Nasa 1,200 ang tinanong ng face-to-face tungkol dito na 300 sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at sa Mindanao.

Ang paggamit ng bisikleta ay hindi lamang maganda sa katawan ng siklista bagkus ay mainam din ito maging sa ibang tao at kapaligiran. Mas bumaba ang air pollution sa Metro Manila. Nanana­tiling numero uno ang motor vehicles na pinagmumulan ng air pollutants.

Tumataas ang air pollution kapag mabigat ang trapiko sa mga pangunahing lansangan.
Sa lumalaking bilang ng mga siklista sa bansa, nais ng DOTr o Department of Transportation na mas mapalawak pa ang bicycle lane sa bansa na target na magkaroon ng 2,400 kilometers sa taong 2028. Sa kasalukuyan, nasa 564 kilometers pa lamang ang nagagawa na nasa Metro Manila, Metro Cebu at Metro Davao.

Isa sa minumungkahi ng DOTr o Department of Transportation sa mga guro, estudyante at iba pang kawani sa edu­cation sector ay ang paggamit ng bisikleta patungo sa mga paaralan at pauwi sa kanilang mga tahanan. Bukod sa malaking katipiran sa pamasahe, higit na maganda sa kalusugan ang pagbibisikleta.

Maraming bansa sa daigdig ang gumagamit ng bisikleta sa pagpasok sa paaralan at mga trabaho. Nangunguna na riyan ang The Netherlands na 99.1% ng populasyon ay nagbibisikleta, gayundin ang Denmark, 80%, at Germany, 75.8%.

Previous articleComelec desidido sa pag-abot ng target ng 2M bagong botante
Next articleAN’YARE KAY MARCOS AT SA PNP GENERALS?