MANILA, Philippines – Tumaob ang isang motorbanca sa baybayin sakop ng Petron Refinery sa Bataan kung saan agad na tumugon ang Philippine Coast Guard (PCG) at Limay Bantay Dagat.
Sa ulat ng PCG, sakay ng MBCA Prince Jude ang dalawang crew ay binabaybay ang nasabing katubigan na may ruta patungong Kitang Anchorage.
Magdadala umano ng food supplies para sa Narra Tanker Flamingo nang makasagupa ang malalaking alon dahilan para tumaob ang banca.
Nakilala ang dalawang nasagip na crew na sina Aljohn Leyba at Joshua Aldave, na kapwa nasa maayos na kalagayan at sinamahan na makabalik sa kanilang pamilya sa Barangay Kitang II, Limay, Bataan. Jocelyn Tabangcura-Domenden