ANGADANAN, Isabela – Arestado ng pulisya ang tinaguriang Top 6 Most Wanted Person o TMWP provincial level sa kasong Statutory Rape o panggagahasa sa menor de edad sa Brgy. San Ambrocio Angadanan, Isabela.
Sa ipinarating na ulat ni PCapt. Alex Galutera, OIC ng Angadanan Police Station kay PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ay matagumpay na naaresto si alyas Omer, 27 anyos at residente sa naturang bayan na pinangunahan ng Angadanan Police Station kasama ang PIU-IPPO, CIDG Isabela, PIT Isabela East, at RIU2 sa bisa ng Mandamiento De Aresto na inisyo noong November 23, 2024 para sa kasong nabanggit na walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan.REY VELASCO