Manila, Philippines- Mixed reaction ang netizens sa pagputok ng balitang nag-uusap na ang dating lovers and screen partners na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla paglatapos ng mahigit na isang taong paghihiwalay.
Ni-reveal ni Cristy Fermin sa kanyang radio show sa Radyo Singko ng TV5 kasama sina Rommel Chika at Wendell Alvarez na nag-uuwap na muli sina Kathryn at Daniel.
Ayon kay Tita Cristy, “Meron po kaming mga impormanteng hindi nanununog at nangunguryente na nagpaabot sa amin ng impormasyon na nag-uusap na raw po ngayon si Daniel at si Kathryn.
“Pero ito po ay pupwedeng i-deny ni Daniel at ni Kathryn at pwede rin naman po nilang panindigan kung totoong naganap ito.”
Nagbigay din ng clue si Tita Cristy kung sino ang kanyang source na lalong nagpatibay ng balitang nag-uuwap na ang ex-lovers ng batikang TV/radio host.
“Ang bridge, hindi po namin babanggitin ang pangalan ng best friend ni Kathryn na malapit kay Daniel pero siya pala ang nag-uugnay sa dalawa,” pagri-reveal ni Tita Cristy.
Sa pagkakaalam namin, ang komedyanteng si Alora Sasam ang best friend ni Kathryn sa showbiz. Gayundin si Ria Atayde kung saan kinuha niya si Kathryn bilang abay sa kasal nila ni Zanjo Marudo and recently, ninang ng firstborn nila na si Sabino.
For sure, may iba pang source si Tita Cristy na tinutukoy niyang best friend ni Kathryn at malapit kay Daniel at the same time.
Say ng netizens, “Not a BIG deal. I don’t see anything wrong if they remain civil. Si Kathryn pa na mabait na tao.”
“Mabait pero madaling mauto ni daniel kaya umabot ng 11 years kasi marupok kay daniel.thats love. love is blind ika nga desisyon nya kung magpauto ulit.”
“Ohhh eiii ano? Good news yarn para sa akin ewan ko lang sa iba.” Julie Bonifacio