Home NATIONWIDE Posisyon bilang SC Justice binuksan na ng JBC

Posisyon bilang SC Justice binuksan na ng JBC

MANILA, Philippines -Binuksan na ng Judicial and Bar Council (JBC) ang aplikasyon sa pwesto bilang associate justice ng Supreme Court.

Inanunsyo ng JBC ang napipintong pagbakante ng posisyon dahil sa nalalapit na pagreretiro ni Associate Justice Mario Lopez sa Hunyo 4, 2025.

Batay sa bulletin, maaaring isumite ng mga aplikante ang kanilang requirements sa pamamagitan ng JBC Online Registration and Application System.

Ang deadline para sa pagsusumite ay sa Marso 28, 2025.

Sa pagreretiro ni Lopez sa Hunyo, ito ang unang pagkakataon na magtatalaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng mahistrado sa Mataas na Hukuman.

Nabatid na para sa posisyon sa Supreme Court, ang mga kandidato ay kinakailangan 15 taon ng naging judge o abugado.

Batay sa konstitusyon, ang Supreme Court justices ay itinatalaga ng pangulo mula sa shortlist na isusumite ng Judicial and Bar Council. TERESA TAVARES