Home METRO 2 dayong ‘basag-kotse’ timbog sa mga parak sa Bulacan

2 dayong ‘basag-kotse’ timbog sa mga parak sa Bulacan

185
0

BULACAN, Philippines – Arestado ang dalawang dayong lalaking nambasag ng salamin at nangdekwat sa loob ng sasakyan sa bayan ng Plaridel nitong Marso 19.

Sa ulat ni PLTCOL Restituto Granil, hepe ng Plaridel police station, kinilala ang biktima na isang doktora, 45.

Ayon sa impormasyon, ang mga suspek ay isang  18 anyos, residente ng Abad Santos Avenue st. Corner Tayuman, Brgy. 235, Tondo at isa pang lalaking 23 anyos ng Brgy. 314, Sta. Cruz, Manila.

Base sa imbestigasyon, ipinarada ng biktima ang kanyang sasakyan sa parking lot ng isang aesthetic center sa Brgy. Tabang nang sapilitang buksan ng isa sa suspek sa pamamagitan ng distornilyador ang bintana ng sasakyan.

Tinangay ng mga suspek ang shoulder bag na naglalaman ng wallet na may halagang P1,500.00, mga identification card, gamot at personal na gamit.

Humingi ng tulong ang isang saksing empleyado ng establisyemento sa mga operatibang nagsasagawa ng surveilance sa lugar na agad tumugis kaya naaresto kalaunan ang mga suspek sa Brgy. Sta. Rita, Guiguinto.

Nakumpiska mula sa isa suspek ang kalibre .38 revolver na kargado ng tatlong bala habang nakuha naman sa kasamahan ang replikang baril, distornilyador at motorsiklong ginamit sa pagtakas.

Dinala sa nasabing istasyon ang mga ebidensya at mga suspek na nahaharap sa kaukulang kaso. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here