Home METRO Bangkay ng babaeng biktima ng lumubog na MV Trisha Kerstin 3, natagpuan...

Bangkay ng babaeng biktima ng lumubog na MV Trisha Kerstin 3, natagpuan sa Basilan

174
0

BASILAN, Philippines – Natagpuan ang bangkay ng isang babaeng biktima ng lumubog na MV Trisha Kerstin 3 sa dagat ng Isabela City, Basilan noong Biyernes, Marso 20.

Kinilala ang biktima na si Nurshaina Jalaide mula Barangay Bakud, Siasi, Sulu.

Natagpuan ang kanyang katawan bandang tanghali ng isang mangingisda at kinuha ng mga awtoridad.

Nakipag-ugnayan ang mga awtoridad sa pamilya ni Jalaide at mga kaukulang ahensya para sa maayos na dokumentasyon at paghawak sa kanyang labi.

Isa si Jalaide sa mga nawawalang pasahero na inilista sa isang sikat na social media account, at nag-post ng maraming announcement ang kanyang pamilya matapos siyang mawala dahil sa paglubog ng barko. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here