MANILA, Philippines – Patay ang dalawang lumahok sa mountain trail event sa Santo Tomas, Davao del Norte na ginanap noong Agosto 3.
Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na isa sa mga biktima ay nag-collapse kasabay ng event at agad na dinala sa ospital ngunit idineklara kalaunan na patay na.
Samantala, naabutan namang walang malay ang iba pang lumahok nang dumating ang mga rescuer sa lugar.
Sa pahayag, sinabi ng Santo Tomas Municipal Police Station na iniulat na nawawla ang ilan sa mga lumahok matapos bigong makabalik bandang 12:30 ng hapon. Ang trail run ay nagsimula 4:30 ng madaling araw.
Agad namang isinagawa ang joint search and rescue operation ng Barangay San Jose officials, mga tauhan mula sa 56th Infantry Battalion, Philippine Army, at mga miyembro ng MDRRMO.
Natunton ang biktima 3:30 ng hapon at dinala sa Santo Tomas Medical Health Center ngunit idineklarang dead on arrival.
Posibleng nawawi ang mga ito sa Traumatic Brain Injury (TBI), internal hemorrhage, at cerebrovascular accident, na posibleng sanhi ng stroke na nagdulot ng heart attack.
“It is believed that the victim experienced heat stroke while traversing elevated terrain, causing him to fall off a cliff.” RNT/JGC