Home HOME BANNER STORY 2 ‘durugista’ timbog sa P1.3M droga sa QC

2 ‘durugista’ timbog sa P1.3M droga sa QC

MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang drug suspect na nasamsaman umano ng higi P1.3 milyon droga sa isang buy-bust operation sa Brgy. San Martin de Porres, Quezon City.

Target ng operasyon ang isang 24-anyos na babae mula Pampanga, na ngayon ay naninirahan sa Cubao, kasama ang umano’y kasabwat nito, isang 22-anyos na lalaking kapitbahay.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P1.3 milyon, na nakatago sa loob ng mga cookie container.

“The suspects operated both in Angeles, Pampanga, and Cubao. We consider them high-value targets,” ani Police Major Alexander Tenorio ng Cubao Police.

Iginiit ng babaeng suspek na binayaran siya ng ₱20,000 para maihatid ang droga, dahil sa pinansiyal na pressure. Itinanggi ng lalaking suspek ang pagkakasangkot, at sinabing hindi niya alam ang transaksyon.

Iniimbestigahan na ang pinagmulan ng mga droga na pinaniniwalaang nagmula sa Cavite. Parehong nahaharap sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act ang dalawang suspek. RNT