Home NATIONWIDE 2 eroplano nagbanggaan sa airport, 1 nagliyab, 6 patay

2 eroplano nagbanggaan sa airport, 1 nagliyab, 6 patay

JAPAN – Nagbanggaan ang dalawang eroplano sa Japan at ang pampasaheong malaking eroplano ang nagliliyab habang pinahihinto ito ng piloto.

Ayon sa mga awtoridad, pag-aari ng Japan Coast Guard ang eroplano na may sakay na search and rescue group para sa lindol habang may sakay namang 400 pasahero ang Japan Airlines.

Lumalapag umano ang JAL flight 516 na Airbus A350-900 sa Haneda Airport nang mahagip nito ang papalipad namang JCG plane na De Havilland Canada DHC-8.

Sa mga nakasaksi, nagkaroon umano ng napakalakas na tunog o big bang at dito na nakitang lumiyab ang JAL at habang lummalapag, pinilit ng piloto na pahintuin ito at sumunod na ang emergency na paglabas ng mga pasahero.

Ang JCG plane naman, namatayan ng 6 na pasahero habang kritikal ang kalagayan ng piloto no.

Kasalukuyan nang nag-iimbestiga ang pamahalaang Japan sa pangyayari. RNT

Previous articleMAY SUNOG NA, LINDOL TULOY PA
Next article55 patay sa Japan quake