Home HOME BANNER STORY 55 patay sa Japan quake

55 patay sa Japan quake

WAJIMA, Japan- Hindi bababa sa 55 indibidwal ang nasawi dahil sa malakas na lindol na tumama sa Japan nitong bagong taon, kung saan nahirapan ang rescue teams nitong Martes na makarating sa isolated areas kung saan gumuho ang mga gusali, sira ang mga kalsada at walang kuryente ang mga tahanan.

Tumama ang lindol na may preliminary magnitude na 7.6 nitong Lunes ng hapon, dahilan upang magtungo ang mga residente ng ilang coastal areas sa matataas na lugar sa pagtama ng tsunami waves sa west coast ng Japan, dahilan upang maanod ang ilang mga sasakyan at lugar sa karagatan.

Nagpadala ng 3,000 army personnel, firefighters at police officers mula sa buong Japan sa quake site sa Noto peninsula sa Ishikawa prefecture.

“The search and rescue of those impacted by the quake is a battle against time,” pahayag ni Prime Minister Fumio Kishida sa isang emergency meeting nitong Martes.

Suspendido rin ang maraming rail services at flights sa lugar.

Sa kasalukuyan ay nakumpirma na ng mga awtoridad ang 48 patay, kapwa mula sa Ishikawa prefecture, base sa NHK. 

Mahigit 140 pagyanig na ang natukoy mula nang unang tumama ang lindol nitong Lunes, ayon sa  Japan Meteorological Agency, na nagbabalang posibleng tumama ang malalakas na aftershocks sa mga susunod na araw. RNT/SA