Home NATIONWIDE 2 estudyante, 1 pa sugatan sa pampasaherong bus

2 estudyante, 1 pa sugatan sa pampasaherong bus

ILOCOS SUR-Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan ang tatlong lalaki matapos bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang pampasaherong bus sa national highway sa Brgy. Las-ud, Tagudin ng lalawigang ito kaninang mga pasado ala-una ng madaling-araw, Enero 27.

Ayon sa mga otoridad, ang Honda Click 125 motorcycle ay minamaneho ng 19-anyos na lalaki, estudyante, residente ng Brgy. Magsaysay ng naturang bayan.

Kasama nitong nakasakay sa naturang motorsiklo ang dalawang lalaking parehong 19-anyos na ang isa ay isa ring estudyante na parehong residente rin ng Brgy. Magsaysay.

Ang pampasaherong bus ay minamaneho naman ng 41-anyos na lalaki na residente ng Brgy. Pong-ol, Vigan City, Ilocos Sur.

Base sa CCTV footage, ang motorsiklo ay papuntang hilaga samantalang ang bus naman ay papuntang timog.

Pagdating sa pakurbang bahagi ng kalsada, nasakop ng motorsiklo ang southbound lane na nagresulta sa banggaan ng dalawang sasakyan.

Isinugod ang biktima sa Ilocos Sur District Hospital sa bayang ito ng mga rumespondeng MDRRMO personnel.

Hindi naman nasaktan sa naturang insidente ang driver ng bus. Rolando S. Gamoso