MANILA, Philippines – Arestado ang apat na armadong kalalakihan matapos mahulihan ng P2.7 milyong halaga ng shabu sa Bacolor, Pampanga sa operasyon na isinagawa nitong Sabado, Enero 25.
Sa pahayag, sinabi ng Pampanga police na isinagawa ang operasyon sa Barangay Cabetican kung saan nakumpiska rin nila ang mga kargadong baril.
Dagdag pa, nakuha rin ang nasa 402 gramo ng hinihinalang shabu mula sa mga suspek at isang sasakyan.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, maging ang paglabag sa umiiral na gun ban ngayong election period. RNT/JGC