Wari’y ganito kalungkot ang sinapit ng isa sa mga senatoriable na si Phillip Salvador.
May pagbabago kasing ginawa ang Comelec kaugnay ng numbering ng mga kandidato para sa nasabing elective post.
Dating No. 57 si lpe (palayaw ng aktor) pero dahil sa pagbabago nga ng naturang komisyon ay No. 58 tuloy siya.
Ang masaklap, gawa na o yari na at ihahanap na lang ng mapupuwestuhan ang mga naka-ready nang campaign tarpaulins ni Ipe.
Bago mag-second week ng February nakatakdang magsimula ang campaign period para sa pambansang puwesto.
Ibig sabihin, kung babaguhin ni Ipe ang kanyang tarps ay nangangahulugang panibagong gastos na naman ‘yon.
Paspasan pa naman ang galawan para sa nakatakdang mid-term elections.
So far, nakapag-ikut-ikot na ang senator-wannabe sa Visayas at Mindanao.
Ibig lang sabihin na wala na talagang turning back o atrasan ang plano ni lpe na sumunod sa mga yapak ng matalik na kaibigang sina Senators Bong Revilla at Jinggoy Estrada.
And speaking of whom, nauunawaan naman daw ng kanilang “Kuya Ipe” kung hindi nila ito matutulungan sa pangangampanya nito sa dahilang they don’t belong to the same party. Ronnie Carrasco III