Home METRO 2 estudyante huli na sumisinghot ng tsongki

2 estudyante huli na sumisinghot ng tsongki

CAUAYAN CITY, Isabela – Bumagsak sa kamay ng alagad ng batas ang dalawang estudyante na kabilang sa Street Level Individual o SLI habang silay nagpapot-session o humihithit ng pinatuyong dahon ng marijuana o ipinagbabawal na gamot sa Bang-Kera’s Cafe, Purok 6, Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Sa maigting na kampanya laban sa illegal drugs ni PCol. Lee Allen Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ay nahuli ang dalawang estudyante na pansamantala itinago sa pangalan alyas Ace at alyas Queen, pawang mga residente nang nasabing lungsod.

Ayon kay PCol. Bauding, mayroon silang natanggap na ulat na mayroon kahina-hinalang ginagawa ng dalawang estudyante kung kaya’t agarang nirespondehan ng kanyang mga tauhan na nagsasagawa umano ng pot-session ang dalawa sa loob ng nabanggit na coffee shop.

Nakumpiska mula sa dalawa ang isang pakete na naglalaman ng hinihinalang tuyong dahon ng marijuana; isang pirasong Marlboro Cigarette stick na naglalaman ng hinihinalang marijuana na may fruiting tops (partially burn); isang nakabalot sa papel na hinihinalang marijuana; isang piraso ng Marlboro red pack na naglalaman ng hinihinalang dahon ng marijuana na may fruiting tops at tuyong dahon ng tobacco; isang unit ng A31; isang unit Vivo Y20; at isang puting lighter.

Halos umaabot sa apat na gramo ng hinihinalang marijuana na may SDP na P480.00 ang nasamsam sa mga nahuli.

Pansamantala nasa kustodiya ng Cauayan City Police Station ang mga naarestong estudyante habang inihahanda ang kasong may kinalaman sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco