PANGASINAN-Tigok ang isang estudyanteng lalaki at estudyanteng babaeng angkas nito matapos bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang bus sa national highway sa Brgy. Bued, Binalonan ng lalawigang ito nitong madaling-araw ng Sabado, Marso 7.
Ayon sa Binalonan MPS, ang mga nasawi ay 18-anyos na lalaki at 23-anyos na babae, parehong estudyante, mga residente ng Villasis, Pangasinan.
Ang 54-anyos na driver ng bus ay residente naman ng Abra.
Sa inisyal na imbestigasyon, bumibiyahe ang bus papuntang hilagang direksyon nang biglang tumawid ang Honda Wave 125 galing kanluran papuntang silangan na nagresulta sa banggaan ng dalawang sasakyan.
Nabatid na sugatan ang driver at ang angkas nito.
Agad na isinugod sa Urdaneta District Hospital ang dalawa.
Gayunman, ang driver ng motorsiklo at ang angkas nito ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor.
Hindi naman nasaktan sa naturang insidente ang driver ng bus. Rolando S. Gamoso