Home NATIONWIDE DOLE, Bangladesh sanib-pwersa sa kooperasyon sa larangan ng paggawa, training

DOLE, Bangladesh sanib-pwersa sa kooperasyon sa larangan ng paggawa, training

174
0

MANILA, Philippines – Nakipagpulong si DOLE Officer-in-Charge, Undersecretary Benedicto Ernesto R. Bitonio Jr., kay Ambassador Mohammad Sarwar Mahmood ng Bangladesh noong Marso 3, 2026, upang talakayin ang posibleng kolaborasyon.

Ibinahagi ng DOLE ang mga human resource development initiatives at TESDA training standards, habang tinalakay din ang migration management at training programs sa maritime at aviation sectors.

Tinalakay ng Pilipinas at Bangladesh ang mga oportunidad upang palakasin ang kooperasyon sa larangan ng paggawa, trabaho, at pag-develop ng kasanayan.

Ibinahagi ni Undersecretary Bitonio Jr. ang mga inisyatibo ng Pilipinas sa human resource development, habang itinampok ni Undersecretary Torres ang technical-vocational education at training standards na kinikilala sa buong mundo sa pamamagitan ng TESDA, na nakatuon sa pangangailangan ng labor market.

Napag-usapan din ang migration management at human resource development, partikular ang mga training program sa maritime at aviation sectors.

Parehong nagpasalamat ang dalawang panig sa produktibong talakayan at nagpahayag ng interes na ipagpatuloy ang usapan upang isulong ang kapakanan ng mga manggagawa at palakasin ang bilateral na ugnayan. Jocelyn Tabangcura-Domemden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here