MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of Health (DOH) na tinatayang 70% ng namamatay sa Pilipinas ay dahil sa Non-Communicable Diseases (NCD or NCDs) tulad ng hypertension, diabetes, at cancer.
Bunsod nito, magkakaroon ng ikaapat na mobile phone survey ang ahensya sa darating na
Marso 10, 2026 hanggang Mayo 31, 2026
Layon nito na mangalap ng datos tungkol sa mga dahilan ng pagkakaroon ng NCDs.
Makatatanggap ng text message ang publiko kung saan may mga ilang katanungan tulad ng:
✅Demographics (edad, kasarian, tirahan, trabaho, etc.)
✅Bisyo (sigarilyo, vape, alak)
✅Status ng mental health
✅Kinakaing gulay at prutas
✅Pagkain ng maaalat, matataba, matatamis, at mamantika
✅Huling konsulta sa doktor
✅Maintenance medicines
✅Karanasan sa pagpapakonsulta sa primary health
Magiging gabay naman ng DOH ang mga kasagutan sa pagsasagawa ng mga polisiya at programang evidence-based para matugunan ang problema ng bansa pagdating sa mga kaso ng NCDs. Jocelyn Tabangcura-Domenden