Home NATIONWIDE PCG nakatanggap ng 13 generator sets mula Japan

PCG nakatanggap ng 13 generator sets mula Japan

159
0

MANILA, Philippines – Pormal na tinanggap ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 13 generator sets mula sa Gobyerno ng Japan sa isang handover ceremony na ginanap sa National Headquarters, Port Area, Maynila.

Pinasalamatan naman ng PCG ang gobyerno ng Japan.

Dumalo si Minister Naobumi Yokota ng Embahada ng Japan upang muling igiit ang suporta ng Japan bilang strategic partner ng Pilipinas sa Indo-Pacific region.

Ayon kay Minister Yokota, ang mga generator ay magpapagaan sa “maintenance burden” ng PCG personnel, na magpapahintulot sa kanila na mas epektibong magbigay ng proteksyon at kaligtasan sa dagat.

Ang mga kagamitan, na ibinigay sa ilalim ng Japan Grant Aid Program, ay nagpapalakas sa matagal nang maritime partnership ng Pilipinas at Japan at direktang nagpapahusay sa operational readiness ng PCG.

Naipamahagi na rin sa ibat-ibang districts sa bansa ang mga generator sets.

Bukod sa pang-araw-araw na operasyon sa pantalan, ang mga ito ay magsisilbing mahalagang kagamitan sa mga emergency operations tulad ng pagbibigay ng kuryente sa lugar na limitado ang local grids, pagsuporta sa disaster relief efforts, at contingency deployments sa mga remote na rehiyon.

Matapos ang matagumpay na operational test run sa National Headquarters Shaded Area, nagtapos ang handover ceremony sa pagdiriwang ng matibay na ugnayan ng Pilipinas at Japan sa regional maritime security.

Dumalo rin ang mga pangunahing tauhan ng PCG at unit personnel sa naturang event. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here