Home NATIONWIDE 3 Chinese tiklo sa P70M kush

3 Chinese tiklo sa P70M kush

158
0

PAMPANGA- Nasabat ng Bureau of Customs (BoC) Port of Clark ang tinatayang nasa P70 Million halaga ng hinihinalang High grade marijuana Kush na tangka sanang ipuslit at nakalagay umano sa bagahe ng tatlong naarestong Chinese national sa Clark International Airport sa Clark Freeport Zone.

Kinilala ang mga naarestong dayuhan na sina alyas “Ang See”, 39; “Kim Tam”, 27 at “Li Cheng”, 30 anyos.

Sa ulat, nagsagawa ng routine inspection ang Customs nang madiskubre ang mga kontrabando na nakalagay sa luggage ng mga suspek.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang 99 na piraso ng transparent vacuum-sealed plastic packs ng mga hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana and fruiting tops na pinaniniwalaang isang high grade marijuana Kush na may timbang ng higit 46,000 grams at standard drug price na aabot sa P70 million.

Ayon sa Customs, sakay ng isang passenger plane ang mga suspek mula Bangkok, Thailand at patungo ang mga ito sa Hong Kong nang masabat ng mga awtoridad.

Ang matagumpay na operasyon sa pagkasabat sa mga kontrabando at pagkaaresto sa mga banyagang suspek ay bunsod ng pagtutulungan ng pinagsanib na pwersa ng Customs Port of Clark, PDEA, PNP at NBI.

Nasa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga nadakip na dayuhan at ang mga nasabat na kontrabando para sa laboratory forensic examination and confirmation at pagsasampa ng mga kaukulang kaso. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here