Home METRO 2 estudyanteng nag-cutting bistado sa pagpapanggap na nakidnap

2 estudyanteng nag-cutting bistado sa pagpapanggap na nakidnap

MANILA, Philippines – Nabisto ng mga awtoridad na peke pala ang report ng dalawang estudyante na nagsabing dinukot sila ng puting van sa Davao City.

Matatandaan na nag-viral sa social media ang naturang balita ng pagdukot sa dalawang estudyante.

Sa kabila nito, lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na hindi totoo ang balita at ginawa lamang ng dalawang estudyante ang balitang ito sa takot na sila ay mapagalitan ng magulang.

Dagdag pa, nag-cutting classes kasi ang dalawang estudyante at nagpunta sa isang mall.

Para mapatunayan ang imbentong kwento ng kidnapping ay sinugatan pa umano ng dalawa ang kanilang sarili.

Ayon kay Police Captain Hazel Tuazon, Davao City Police Office (DCPO) spokesperson, natakot umano ang mga estudyante na mapagalitan sila ng kanilang mga magulang dahil hindi agad nakauwi sa bahay ang mga ito, kung kaya’t nag-imbento sila ng kwento na sila ay dinukot.

Sasailalim sa assessment at monitoring ng social workers ang dalawang estudyante. RNT/JGC