MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Bulkang Kanlaon ng 14 volcanic earthquakes nitong Biyernes, Pebrero 21, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ngayong Sabado.
Nagbuga rin ang bulkan ng 1,857 tonnes ng sulfur dioxide.
May mahinang plume ang nakitang umakyat sa volcanic crater at umabot ng 75 metro ang taas.
Kasalukuyang nakataas ang Alert Level 3 sa Bulkang Kanlaon. RNT/JGC