Home METRO IP elder pinugutan sa Maguindanao del Sur

IP elder pinugutan sa Maguindanao del Sur

MANILA, Philippines – Natagpuang wala nang buhay ang elder ng Teduray-Lambangian tribe sa Maguindanao del Sur na iniulat na nawawala noong Pebrero 17, sa Datu Hoffer.

Nadiskubre ang bangkay ni Fernando Promboy, 65, ng mga residente ng Sitio Bagurot ng Barangay Tuayan Mother, ayon kay Timuay Letecio Datuwata, supreme chieftain ng Timuay Justice and Governance (TJG), political structure ng Teduray-Lambangian tribe.

Ani Datuwata, pugot ang ulo at naaagnas na ang katawan ni Promboy nang matagpuan. Agad naman na inilibing ang katawan nito sa kanyang farm.

Dagdag pa, nakatali rin ang mga kamay nito nang matagpuan nila at itinapon malapit sa water reservoir ng sarili nitong farm.

Sinabi ni Datuwata na patunay lamang ang pagpatay kay Promboy na nagpapatuloy pa rin ang pag-atake laban sa non-Moro indigenous peoples (IP) sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM). RNT/JGC