MANILA, Philippines – Dalawang dating opisyal ng Department of Agriculture (DA) ang nahatulan ng Sandiganbayan noong Miyerkules para sa graft kaugnay sa kanilang pagkakasangkot sa P3.9 milyon fertilizer fund scam.
Natuklasan ng Special Sixth Division ng Sandiganbayan na sina dating DA Regional Technical Director Joel Rudinas at dating DA accountant Claudia Artazo ay may kasalanan sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act dahil sa di-regular na pag-procure ng higit sa 6,000 bottle ng liquid fertilizer para sa Camiguin noong 2004.
Ang kaso ay may kaugnayan sa transaksyon ng DA sa People’s Organization for Progress and Development Foundation, Inc. (POPDFI), na pinamamahalaan ng nakakulong na si Janet Napoles, para sa liquid fertilizer na may presyong P800 bawat litro.
Ito ay higit na mataas kaysa P165 na presyo sa merkado, na naging sanhi ng P3.9 milyong losses ng gobyerno.
Ang pagkabigo ng ahensya na magsagawa ng public bidding para sa procurement ay nagtulak sa paglabag sa R.A. No. 9184, o ang Government Procurement Reform Act.
Hinatulang ng anti-graft court sina Rudinas at Artazo ng anim na taon at isang buwan hanggang walong taon sa bilangguan at tuluyan nang hindi makakahawak ng pampublikong tungkulin.
Pinagmulta rin sila Rudinas at Artazo sa di-tumutugon na pagpapatupad ng Ginintuang Masaganang Ani (GMA) na programang pang-agrikultura ng administrasyon ni Arroyo at iniutos na silang magbayad ng P3.9 milyon at 6% taunang interes. Jocelyn Tabangcura-Domenden