Home METRO Most Wanted sa lascivious conduct, panggagahasa huli sa Caloocan

Most Wanted sa lascivious conduct, panggagahasa huli sa Caloocan

239
0

CALOOCAN, Philippines – Arestado ang isang 29-anyos na  lalaking kabilang sa talaan ng mga Most Wanted Person (MWP) dahil sa dalawang bilang ng kasong Acts of Lasciviousnes at Rape sa Caloocan City.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ng Northen Police District (NPD), naganap ang pag-aresto sa akusado sa kanto ng Talimusok St., Kaunlarang Village, Dagat-dagatan sa nabanggit na lungosd kahapon.

Ang akusado ay naaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Presiding Judge ng Family Court Branch 1 ng Caloocan City laban ditto dahil sa dalawang bilang  ng  Acts of Lasciviousness  sa ilalim ng Seksyon 5(b) ng RA 7610 at may inirekomendang piyansa  na Php 200,000 bawat isa.

Wala namang inirekomendang piyansa para naman sa  kasong rape na isinampa laban dito.

Ang suspek ay sapat na ipinaalam ang dahilan ng kanyang pag-aresto at ang kanyang mga karapatan sa konstitusyon sa wikang naiintindihan niya, ngunit pinili niyang manahimik sa buong proseso.

Ginamit ang isang Alternative Recording Device (ARD) sa panahon ng operasyon upang matiyak ang tamang dokumentasyon ng pag-aresto. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here