PANGASINAN- Himas-rehas ngayon ang dalawang lalaki matapos maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Embarcadero, Mangaldan ng lalawigang ito nitong Linggo, Nobyembre 3.
Ayon sa mga otoridad, ang mga suspek na parehong mga high value targets ay 34-anyos na residente ng Brgy. Todyakan, Tuba, Benguet at 25-anyos na residente ng Dampol 2nd, Pulilan, Bulacan.
Sa naturang buy-bust operation ay nakakumpiska ang mga otoridad ng 70 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P476,000.
Ang buy-bust operation ay ikinasa ng mga pinagsanib na puwersa ng PPDEU, Pangasinan PPO, PIU Pangasinan PPO, RDE PRO1, PDEG SOU1, at Mangaldan MPS sa pakikipag-ugnayan nila sa PDEA.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng dalawang suspek. Rolando S. Gamoso