MANILA, Philippines – ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si prosecutor Richard Fadullon bilang prosecutor general ng National Prosecution Service (NPS).
Pinalitan ni Fadullon si dating Prosecutor General Benedicto Malcontento, nagretiro mula sa kanyang tungkulin noong Oktubre matapos ang limang taon sa serbisyo.
Bago pa ang kanyang appointment, si Fadullon ay nagsilbi bilang senior deputy state prosecutor para sa ilang taon.
Sinabi ng Department of Justice (DOJ) na nagsilbi si Fadullon sa departamento sa loob ng 30 taon mula April 1994.
Sinabi ng DOJ na nakompleto ni Fadullon ang kanyang undergraduate course na AB Political Science sa UP Diliman noong 1983 at nakuha ang kanyang law degree mula San Beda College noong1987.
Samantala, nagpahayag naman ng kanyang kumpiyansa si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla kay Fadullon.
“I am extremely confident in your skill, experience, and resolve that you are the perfect fit for the title of Prosecutor General capable of upholding the rule of law with fearlessness and utmost integrity,” ang sinabi ng Kalihim. Kris Jose